Header Ads

PBB Truth or Lie: Yong, inamin na gusto niya si Kisses maging Girlfriend!

Sa mga nakaraang episodes ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ay ginulat nga tayo ni Kuya sa mga challenges na ihinanda niya para tuluyang makilala ng taumbayan kung sino ang karapat-dapat na hirangin na Big Winner sa mga natititrang niyang housemates. 


Matapos si Kisses, Maymay at Edward, sumunod na sumalang sa hamon ng lie detector test ay si Yong. Sinagot niya ang ilan sa mga mapangahas, mapanghamon at ilan na nakakilig mga tanong ni Toni kasama pa din ang ilang ex-housemates na nagsilbing human lie detector.

Isa sa mga kinakiligan na tanong ni Toni ay kung may nararamdaman ba ito na pagtingin sa on screen loveteam nito na si Kisses Delavin, "Yong, gusto mo bang i-partner kay Kisses?" Bakas sa mga ngiti ni Yong ang kilig ng marinig ang tanong at sinagot na, "Yes po." Sinang-ayunan ito ng mga human lie detectors.


Dagdag pa ni Yong, "Sobrang sweet po at palagi niya ako tinutulungan sa lahat ng bagay po. Opo kinikilig minsan." 

Ang sagot na ito ni Yong ay gumawa ng ingay at lalong naging curious ang mga ex-housemates sa kabilang kwarto.

Di naman tayo binigo ng tanungin pa siya ni Toni kung gusto ba ni Yong maging girlfriend si Kisses.

Toni: "Kung sakali magkaka-girlfriend ka, gusto mo ba si Kisses? Gusto mo ba maging girlfriend si Kisses?"
Yong: "Kung ako po, opo. Pero pag hindi po nila gusto wala po magagawa."
Toni: "Tingin mo ba may gusto sa'yo si Kisses?"
Yong: "Di ko po alam. Pakiramdam ko lang po. Parang meron...malapit po kasi kami sa isa't-isa."

Sunod naman tinanong ni Toni ay tungkol sa plano ni Yong na pumasok sa showbiz at pag-aaral.

Toni: "Sa tingin mo ba pagkatapos ng PBB magkakaroon ka ng career sa showbiz?"
Yong: "Yes po."
Toni: "Bakit sa tingin mo ay magkakaroon ka ng career after PBB?
Yong: "Opo kasi dito po ako nagstart nakita po ng mga tao kung ano po yung ugali ko po dito sa loob kaya siguro po bibigyan din po ako ng pagkakataon sa labas.
Mas pipiliin mo ba ang mag artista kesa mag-aral?"
Yong: "Yung nasa isip ko po dati, pagsabayin ko po, artista po at (mag-aral) meron naman po home-school."

Hindi din naman nakaligtas si Yong sa tanong na kung sa tingin niya ay dala na lang nang awa ang kung bakit siya nanatili sa bahay ni Kuya.


Toni: "Sa tingin mo ba kaya ka nandito ay dahil naawa ang mga tao sa'yo?"
Yong: "Yes po. Siguro yung kabaitan ko po at saka yung pagiging ano ko po sa pamilya ko po, kaya po ako pumasok dito po. Naawa din po sila siguro sa akin, siguro gusto nila din po na tulungan ako na makatulong ako sa pamilya ko."
Toni: "Nagpapaawa ka ba sa mga tao?
Yong: "Hindi naman po. Yun lang po talaga ang pinagsasabi ko na hindi naman din po ako nagsisinungaling. Yun po yung real life na mahirap po. Kung ako po ay gusto niyong tulungan ay magpasalamat po ako, kung hindi okay lang po ."

Mabibigyan kaya ni Kisses ng puwang sa kanyang puso si Yong kahit pa na ibinulgar niya sa madla na may nararamdaman pa siya kay Marco? O baka naman ay magiging happy ending ang loveteam ng KissYong lalo pa't napapalapit na sila sa isat isa. 

Pakatutukan ang huling 3 araw ng PBB Lucky Season 7.

Si Yong na nga ba ang Big Winner ng edisyon na ito? Comment na!


No comments:

Powered by Blogger.