Header Ads

PBB Truth or Lie: Edward, may feelings din kay Maymay? Naging Crush din si Kisses noon!

Kung sa February 28th episode ay tahasang sinagot ni Maymay ang tanong ni Toni kung crush niya si Edward, ngayong March 1 naman ay nagpakatotoo na si Edward tungkol sa tunay na pagtingin niya kay Maymay.



May mga espekulasyon na sumakay nalang si Edward sa loveteam nila dahil natatamasa din niya ang kasikatan kapag pinaguusapan ang Mayward. Kagabi binigyang linaw ito ni Edward at buong tapang niyang inamin na gusto niya si Maymay. "She (Maymay) is very beautiful inside and out. If you go to a fancy restaurant and you give her fish, she will eat with her hands and she wont care others are thinking. It's always a laugh with Maymay" pag-amin ni Edward.


Hindi naman nakaligtas si Edward sa tanong kung ano ang gagawin niya sa espesyal na pagtingin niya kay Maymay. "Yes. I will not think too much about it and find out what God's will is", dagdag pa ng binata. Narinig din ni Maymay ang mga tanong na hinarap ni Edward sa eviction room.

Matapos ang mga nakakakilig na mga tanong tungkol kay Maymay ay nabaling naman ang mga tanong tungkol kay Kisses. Hindi inasahan ni Edward ang sumunod na tanong.


Toni: "Naging crush mo ba si Kisses?"
Edward: "Yes. During the first week of my stay here. I didnt have anyone to talk to ang Kisses seemed to be nice. In the end there were three people who made me get out of my shell which were Marco, Heaven and Maymay", pag-amin ni Edward.

Sa huli ay si Maymay parin ang nasambit ni Edward at mas naging magaan ang loob niya na nasagot niya ng boung katotohanan ang mga tanong.

Ngayon na inamin na nila ang nararamdaman nila para sa isa't-isa at magkakailangan na ba sila sa isat isa?

Naging totoo ba si Edward sa mga sagot niya? Si Edward na nga kaya ang susunod na Big Winner? Wag kalimutan mag-comment sa baba!

Subaybayan ang natitirang 3 araw bago ang Big Night at patuloy na suportahan ang inyong pambato.




1 comment:

Powered by Blogger.