Header Ads

PBB Truth or Lie: Kisses Inamin na Naiinggit kay Maymay; May Feelings pa kay Marco!


Sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, ang Lucky Season 7 ang maituturing na pinakamahabang edition at pinaka-kontrobersyal. Sa natitirang araw ng PBB ay muling gumawa ng ingay ay ang "Miracle Daughter ng Masbate" na si Kisses Delavin. Kagabi ay buong tapang niyan hinarap ang mga maaanghang na katanungan pasa sa Upuan ng pagpapakatotoo.


Gamit ang kunwaring lie detector test kung saan ang huhusga, magiging human lie detectors na sasagot kung Thruth or Lie ang naging pagsagot nila ay ang mga ex-housemates mula sa Teen, Regular at Celebrity editions gamit ang mobile phones.

Isa sa mga tanong na gumulat sa mga viewers ng PBB ay ang tanong ni Toni kung may feelings pa ba si Kisses kay Marco.


"Kisses, do you still have feelings for Marco? Yes or No?" Tanong ni Toni.

"Yes po. Pinipilit kong sabihin na wala na akong nararamdaman. Gusto ko na lang maging masaya para sa kanya, para sa mga nangyayari sa kanya. Gusto ko sabihing hindi pero hindi yun totoo. Kasi kahit anong mangyari, siya at siya pa rin ang gusto ko. Pero parang ayaw ko ding sabihin dahil parang mas ikakabuti niya yung huwag na lang akong pumasok sa buhay niya” ani Kisses.

"Nako-curious lang ako. Was there ever a time na sa labas ng bahay na nagparamdam siya sayo na may feelings siya for you?" Pahabol ni Toni.

"Kasi po noong lumabas kami, madalas po kaming magkasama dahil po sa ginagawa ng mga lucky 7 and parang caring po siya (Marco), inaasikaso niya po ako. Natatangap ko yung parang  atensyon niya medyo umaasa ako minsan pero kailangan ko alisin niyo talagang caring lang siyang tao and ayoko ng umaasa po". Dagdag pa niya.


Ang buong kasagutan ni Kisses ay nadinig ni Marco at ng iba pang ex-housemates na nasa kabilang kwarto lamang. Kabilang din sa mga ex-housemates na nagbalik at nakinig sa mga kasagutan ni Kisses ay si Vivoree, na noon sa loob ng bahay ay hinahangaan ni Marco.

Patuloy ang pagkagulat ng taumbayan nung tinanong ni Toni ang kurukurong inggit daw si Kisses sa teen housemate na si Maymay na itinuturing niya na ate at bestfriend.


"Nakakaramdam ka ba ng inggit kay Maymay?" ani Toni.

"Yes po! Nakaramdam po ako ng inggit kay Ate Maymay dahil po yung pinakawala sa sarili ko na bagay ay yung talent. Walang wala po ako noon. Di po ako marunong kumanta, di po ako marunong sumayaw, di po ako marunong umacting. Kaya at some point aaminin ko po na nagkaroon po ako ng inggit na sana meron ako nung anong meron siya, na nakapagpapasaya po siya ng tao dahil sa taelnt niya." sabi ni Kisses.

Tinanong din si Kisses kung nakaramdam din ba ng inggit si Kisses dahil kapares ni Maymay si Edward.

"Naiingit ka ba kay Maymay dahil naging ka-loveteam niya si Edward?" Patuloy na tanong ni Toni.

"Yes po. Kasi nararamdaman ko po na naiingit ako kay ate maymay dahil ipinares siya kay Edward dahil wala akong talent." Pagpapaliwanag ni Kisses.

Itong inggit nga ba ay nagsimula nung Live drama kung saan kadalasan sa mga parte ay napupunta kay Maymay at limitado lang ang exposure ni Kisses?

Ikakasira nga ba ng hamon na ito ang pagkakaibigan nila Kisses at Maymay?

Samantala, tumanggap naman ng papuri ang naging pag-amin na ito ni Kisses sa social media sa ilang local celebrities kagaya ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda maging ng ilang Pinoy Big Brother Ex-housemates nila Say Alonzo, Fifth Pogotan at ex-housemate and host, Alex Gonzaga.


Ilang araw na lang magtatapos na ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7. Abangan mamayang gabi ang paghaharap at pag-uusap nila Kisses at Maymay tungkol sa mga rebelasyon ni Kisses at ang iba pang housemates na haharap sa hamon ng pagpapakatotoo sa #PBBTruthorLie.



No comments:

Powered by Blogger.