Header Ads

WATCH: AlDub's "Destined To Be Yours" Pilot Episode, Tinutukan!

Ang first serye ng isa sa mga kinababaliwang love team ng henerasyon ngayon, sila Maine Mendoza at Alden Richards o mas kilala as "Aldub," tinutukan ng sambayanan!


Unang napansin ang kanilang chemistry noon sa noontime show ng GMA7 na Eat Bulaga at simula noon ay tuloy tuloy ang naging pagtangkilik ng mga Dabarkads sa kanila, sa tv shows man, magazines, tv commercials, concerts at movies.

At sa kanilang unang Teleserye ay hindi naman sila binigo ng kanilang mga fans. Kumusta kaya ang naging rating ng Pilot episode ng Destined to Be Yours sa AGB Nielsen?

Sa pilot episode, ipinakilala na ang bawat pamilya nina Benjie (Alden) at Sinag (Maine) at maging ang unang pagkikita ng dalawa noong mga bata pa sila. Kabilang din sa cast ng serye sina Boots Anson Roa, Tommy Abuel, Gardo Versoza, Janice de Belen, Lotlot de Leon, Mathew Mendoza, Dominic Roco, Ina Feleo at marami pang iba.

Hindi naman nabigo si Alden at Maine dahil sa unang episode ay umani ito ng papuri at nakakuha ng mataas na rating na 22.5% ayun sa Nationwide Urban Television Audience (NUTAM) kumpara sa palabas sa ABS-CBN na nakakuha ng 19.6%.

Pakatutukan ang mga sunod na episodes ng Destined To Be Yours mula Lunes hanggang Biernes pagkatapos ng Encantadia.

Panoorin natin muli ang nakakakilig at completong episode ng DTBY.

WATCH: Destined To Be Yours (Destiny’s Promise) - Episode 1




WATCH: Destined To Be Yours: Ang Pangarap ni Benjie - Episode 2


WATCH: Destined To Be Yours: Sinag's Soulmate - Episode 3


Ano ang masasabi niyo sa first 3 episode ng Destined to Be Yours - Kinilig ba kayo? Mahusay ba ang naging pag ganap ni Maine sa kanyang unang serye? Comment na!



1 comment:

Powered by Blogger.