Header Ads

PPB Stories: Ka-Tropa Ever - Part 2

Ka-Tropa Ever Part 2

Written by: Cristine Empinado Nioda


Ang pagpapatuloy...

Titser: Good morning class.

Students: Good morning Ma'am.

Titser: Tapos na ang recess, itago niyo na lahat ng pagkain. I'm Ma'am Gloria, and I am your Math teacher.



- Pagkatapos ng klase -

Kring3x [Lunch Break]

Vivoree: Kristine punta muna tayo ng library.

- Pumunta sila ng library at nakasalubong si Kisses na nagmamadali kaya nahulog ang panyo -

Vivoree: Ay Miss yung panyo mo!

Kisses: Naku salamat ha. Nagmamadali lang kasi ako.

Vivoree: Walang anuman po.bakit po ba kayo nagmamadali?

Kisses: Eh nakalimutan ko kase na magkikita pala kami ng kaibigan ko ngayon, nakalimutan ko na.
Kristine: Ah ganun ba? Sige baka hinihintay ka na nun.

Kisses: Sige bye. Salamat ulit ah. (dumiretso muna sa CR para magretouch)

- Sa Tagpuan -

Kisses: Oy bes pasensya na nahuli ako. Nakalimutan ko kase kaya sa library po ako napunta.

Heaven: Ay naku bes okay lang yan. Tara na at mananghalian na tayo. Tara na sa canteen.

Kisses: Bes bakit ang dami mong dala? Para saan yan?

Heaven: Ah heto? Ang dami nga, gamot para kay mom binili ko na para hindi ko na makalimutan mamaya at saka itong nasa folder, diba may pinapagawa ang guro natin para bukas. Bumili na rin ako para ready na ready bukas.

Kisses: Hanep ka talaga bes, ang alert mo. Hayan tuloy ang dami dami mo ng dala.

Heaven: Ano ka ba, okay lang. Mas mabuti na yung ganito laging handa para pag kailangan andyan na, diba?

Kisses: Oo na bes, tama ka na. Naniniwala naman ako sa'yo.

- Habang papuntang canteen aksidenteng nabitawan ni Heaven ang dala,pupulutin na sana kaso naunahan -

Edward: Oh I am sorry. Let me help you.

Heaven: No, no, no.

Edward: No, please. I'd like to help.

Heaven: Okay then. Thanks. (Dahan-dahang tumayo tiningnan mula kamay hanggang mukha at nagsmile)

Edward: By the way, let me introduce myself. I am Edward. And you are?

Heaven: Hello, I am Heaven and here beside me is Kisses, my best friend.

Heaven: Sige Edward, salamat ulit. Tara na bes sa canteen.

- Sa Canteen -

Heaven: Order na tayo bes! Ano sayo? Ah, may bago palang nagbabantay sa canteen ngayon. Hello po, hmmm pabili ng isang ulam at kanin.

Kisses: Ako rin kagaya ng order niya.

(Samantalang si Edward naman ay may ngiting pumunta sa mga kaibigan nya kung saan nandun sina Marco, Christian at Aizan.)

Edward: Hey, guys you're all here.

Marco: Hey, Edward! What's with that face? You look really happy. What's is that?

Edward: Hmm...do I look weird to you guys? Here's the thing, I met 2 girls before I came here and they were really nice and of course beautiful.

Marco: Oh yeah. I knew it!

Edward: Ha ha ha. I hope to see them again.

Christian: Bakit naman hindi kung dito din sila nag-aaral. Nasa iisang school lang nman tayo, so sigurado magkikita pa kayo.

Aizan: Oo nga bro. Malay mo mamaya. Ha ha ha.

Christian: Pero teka natanong mo ba mga pangalan nila?

Edward: Yes, of course. Their names were beautiful as their faces, Heaven and Kisses.

Aizan: Wow! Bro, ganda nga ng name nila. Oh, sino ba yang bigla mo tinatanaw dyan?

Edward: Look, over there nearby the cashier, in front.

- At sabay-sabay nilang tiningnan ang sinasabi ni Edward -

Marco: Wow bro, tama ka maganda nga sila.

Edward: (Napangiti) Yeah. Told you guys.

- Samantala, matapos kumain ni Heaven at Kisses -

Heaven: Magkano po lahat?

Maymay: 60 pesos po lahat.

Heaven: Heto miss ang bayad. (Inabot ang bayad at tinanggap naman ito ni Vivoree)

- Kring 3x [After Lunch Break] -

Vivoree: Sige ate Maymay nag-bell na ulit. Alis na ako ah.

Maymay: Okay, sige na. Kayang kaya ko na 'to. Ako na bahala dito bumalik ka na sa klase mo.

- Pagbalik sa Classroom -

Titser: Magandang hapon sa lahat. Kamusta kayo?

Studyante: Magandang hapon din po Ma'am.

Titser: Mga mag-aaral, ang una nating pag-aaralan ay tungkol sa paggawa ng pangungusap na binuo ng simuno at panaguri. Ano ba ang simuno at panaguri?

Kristine: (tinaas ang kamay at tinawag) Ma'am!

Titser: Ano ang simuno? Sa elementarya nyo pa ito.

Kristine: Ang simuno ay ang pinag-usapan.

Titser: Okay tama, maupo kana. Ano naman ang panaguri?

Vivoree: Ma'am! Ang panaguri ay ang ginagawa ng pinag-usapan sa...

- Matapos ang lahat na klase. Kring 3X (4PM) -

Titser: Goodbye class.

Studyante: Goodbye Ma'am.

Vivoree: Kristine, Yong mauna na muna ako sa inyo ha. Pupunta pa kasi ako ng canteen, may klase pa si ate May.

Kristine: Okay sige Vivoree, uuwi na din ako nito. Bye Vivoree. O, ikaw Yong?

Yong: Syempre uuwi din. Sabay na tayo lumabas.

Kristine: Sige tara na.

- Humiwalay na si Vivoree kay Yong at Kristine at nagmadaling nagtungo sa Canteen para pumalit kay Maymay -

--- To be continued...

Kung nagustuhan mo ang kwento na ito, SHARE, LIKE at COMMENT naman dyan, para ganahan yung writer at maipagpatuloy pa ang series na ito.

Meron ka din bang fan fictional stories na gusto mo i-bahagi sa amin? 
Maari mo ipadala yan sa amin sa pamamagitan ng email, send your original stories at dailybabbleph@gmail.com.


No comments:

Powered by Blogger.